Ako si Glecy H. Quilbio. Tatlumput anim na taong gulang. Isinilang at lumaki sa Pilipinas na kung saan ang isa sa opisyal na wika ay Ingles. Sa kasalukuyan, ako ay naninirahan at naghahanap buhay bilang isang guro ng Ingles sa bansang Vietnam. Noong 2008 ako ay nakapagtapos ng kursong Batsilyer ng Edukasyong Pangsekundarya medyor sa Ingles sa Southern Luzon State University. Naipasa ko ang pagsusulit bilang isang lisensyadong guro ng kaparehas na taon ng aking pagtatapos.
Ako ay maraming pamamaraan sa pagtuturo sapagkat ako ay humahawak ng iba’t-ibang antas mula sa mga mag-aaral na bata hanggang sa may edad na. Ako ay may karanasan sa pagtuturo ng maramihan at isahan. Ako ay sumailalim sa maraming pagsasanay na may kaugnayan sa istratehiya sa pagtuturo. Ang istilo na ginagamit ko ay nakadepende sa kakayahan at pangangailangan ng aking mga mag-aaral. Maaari akong magturo ng iba`t ibang mga bahagi sa wikang Ingles tulad ng bokabularyo, balarila, komunikasyon, bigkas, pakikinig at pagsasalita. Mas inuuna ko ang interes ng aking mga mag-aaral sa paggawa ng mga aktibidad. Sa aking klase, wala kang dapat ipag-alala kung nagkamali ka dahil bahagi lamang iyon ng proseso ng pag-aaral. Tinitiyak ko sa iyo na maibibigay ko ang aking 100% pagsisikap.
Ako ay nagtatrabaho bilang isang guro ng English sa loob ng labintatlong taon at ako ay sumailalim sa mga sumusunod na pagsasanay: IELTS Teaching Training- Workshop (IDP Education, Vietnam), Reading for Life and Exam Success (Oxford Professional Development Webinar), Seminar-Workshop on Culture-Based Teaching (Department of Education, Philippines), International Webinar on Governance, Leadership and Management of Education, at iba pa. Sa mahigit na siyam na taon, ako ay nagturo ng asignaturang English sa pampublikong paaralan sa Pilipinas. Sa ngayon ako ay nagtuturo bilang guro ESL.